"Never criticize,unless you suggest "

Monday, December 10, 2007

Ordinary Scene

I was not feeling well when I woke up at 6am..Parang umiikot ang bUong kwarto sa paningin ko so natulog ako ulit. Nagising na ako nang mga 11:30, alam ko lunch time nah kaya dapat na talaga ako magising. Pero mas nagising ako sa away nang sister kong si Via at younger brother na si Bonn2x.

Simple lang pinagaawayan nila, kasing simple nang pagalis ni Bonn2x nang kanyang rubbershoes bago pumasok sa sala. Parehas nilang ayaw magpatalo kaya un hanggang sa pinakaunang kanto bago mo marating ang bahay namen e naririnig mo sila.

At sa di kalaunan nabwisit na ang mommy ko, na kasalukuyang nagluluto pa nang lunch. Ayun pinuntahan sila at inumpisahan na ang sermon. Okey na sana pero sumagot pa si Bonn2x kaya un tumama na sakanya ang palo nang mommy ko. Sa sakit siguro,wala na siya nagawa kundi umiyak sa isang sulok.

At dahil lunch time na inihanda kuna ang hapag-kainan..Kumpleto na kami pati si Joey, ung kasama namen na nagbabantay sa farm pero hindi parin lumalabas si Bonn2x. Malamang masakit pa luob nun at hindi pa bumababa ang pride nya kaya pinuntahan kuna to invite for lunch. Ayun pagdating ko sa kwarto ayaw parin talaga. Natakot ako for him kasi pagdi siya lumabas for lunch second round na naman nang sermon aabutin n’ya. Kaya hinila kuna kahit pinapalo ako at nagpapaiwan talaga.

Ordinary scenes lang naman ang mga ganito sa isang pamilya, pero ngaun something is bothering me. Bigla ako nagworry, naguluhan at natakot. Kasi nakita ko sa mata ng younger brother ko na para sa kanya tama siya at hindi sya dapat pinalo. He maybe right at some point pero mali talaga na sumagot sya, never my parents allowed that. Major sin un, na lumaban ka sa mga matatanda at magsalita nang masama. Yun ang worry ko at partly ikinagulo nang utak ko, kung saan ako natakot eh un ung mga nagflashback sa utak ko na mga batang nagpapakamatay dahil na sermunan lang nang magulang. Ewan ko bat naisip ko un siguro dahil nakitang kong napanuod un nang mga kapatid ko at naalarm ako nung sinabi nyang bat di pa sya patayin. Bigla siguro ako nagjump to conclusions pero alam ko kasi kung gaano kapowerful ang media lalo na sa mga minors na hindi pa maintindihan na hindi lahat nang nasa TV ay ginagaya at tama.

Habang lumilipad pa ang isip ko sa mga un eh tapos na pala sya kumain so umalis na sya at pumasok nang hindi man lang umiinom!

After lunch hindi parin ako mapakali so I asked my other younger brother to see his kuya and give a jacket since wala sya payong at umuulan today. Malayo man ang ginawa kong pag –amo sa nangyari sa kanya, for me minsan mas kailangan nang tao na maramdaman nyang people still care nagkataon lang galit sila today.

Luckily, pag-uwi nya from school eh back to normal na ulit cya. Wala nang bakas nang galit sa kanya. And the early incident was already forgotten.

No comments: