Simple lang pinagaawayan nila, kasing simple nang pagalis ni Bonn2x nang kanyang rubbershoes bago pumasok sa sala. Parehas nilang ayaw magpatalo kaya un hanggang sa pinakaunang kanto bago mo marating ang bahay namen e naririnig mo sila.
At sa di kalaunan nabwisit na ang mommy ko, na kasalukuyang nagluluto pa nang lunch. Ayun pinuntahan sila at inumpisahan na ang sermon. Okey na
At dahil lunch time na inihanda kuna ang hapag-kainan..Kumpleto na kami pati si Joey, ung kasama namen na nagbabantay sa farm pero hindi parin lumalabas si Bonn2x. Malamang masakit pa luob nun at hindi pa bumababa ang pride nya kaya pinuntahan kuna to invite for lunch. Ayun pagdating ko sa kwarto ayaw parin talaga. Natakot ako for him kasi pagdi siya lumabas for lunch second round na naman nang sermon aabutin n’ya. Kaya hinila kuna kahit pinapalo ako at nagpapaiwan talaga.
Ordinary scenes lang naman ang mga ganito sa isang pamilya, pero ngaun something is bothering me. Bigla ako nagworry, naguluhan at natakot. Kasi nakita ko sa mata ng younger brother ko na para sa kanya tama siya at hindi sya dapat pinalo. He maybe right at some point pero
Habang lumilipad pa ang isip ko sa mga un eh tapos na pala sya kumain so umalis na sya at pumasok nang hindi man lang umiinom!
After lunch hindi parin ako mapakali so I asked my other younger brother to see his kuya and give a jacket since wala sya payong at umuulan today. Malayo man ang ginawa kong pag –amo sa nangyari sa kanya, for me minsan mas kailangan nang tao na maramdaman nyang people still care nagkataon lang galit sila today.
Luckily, pag-uwi nya from school eh back to normal na ulit cya. Wala nang bakas nang galit sa kanya. And the early incident was already forgotten.